Mga kabayan,
Nakakahalata na ako na pinagtutulungan na nila ang lahi natin dito, liban duon sa isang makapili na ang pinaka-daing sa buhay ay ang mag-luno-para mapalitan ng sutla ang pinagka-aalibadbarang niyang balat, ay parang balak nang burahin ang lahat ng mampoposte dito na may bakas-Noypi. Masistema ang pamamaraan, parang bang mga hakbang na ginawa ng mga sprakenhayts sa mga jawoods nung nakaraang makalawang digmaang pandaigdig. Kung may bahid ng katotohonan itong pakiwari ko, nakakalungkot naman at bumalik na naman ang mundo sa madilim na pangangatwiran.
Kasi naman, di na lang payagan ang hanganang timbang na isang daan apatnaput-pito, tapos waratin/punitin si Igme para mapatunayan na, at matapos na ang kahibangan dito sa pagtanggi ng kadakilaan ng mamang namamakyaw ng korona at biktima, sa larangan ng boksing.
Sukang-suka na itong mga alipat na mga banyagang ito sa katotohanang kayumanggi ang kulay ng hari sa pangkalahatan ng boksing dito sa buong daigdig! Ang nakakadismaya, dito lang ang paniwalang iyon namamayani at ang kasabay nitong pambubuska din sa atin. Ilan kasi sa atin minsan, mura ang isipan, hindi lapat ang pagtugon dito sa mga panlalait na ito. Nakakadag-dag tuloy ng siklab sa apoy ng kanilang inggit. Napakahirap, paano panatiliin ang kalidad sa tagisan ng dunong, kapag wala nang laman ang sigla ng kanilang usap kundi ang pag-kutya sa lahi natin? Tanong na mahirap sagutin.
Huwag tayong bababa ng kalidad, para lang salubungin o pantayan ang babaw nila, manatili tayong malakas! Talino ang pairalin sa lahat ng sandali, at hindi iyong yabang at tangang katapangan!
Nilaliman ko na ang inakda ko mga 'tsong, maghuhukay sila ng pampalit wika kung gusto nila, pero tayo ayos lang! Mga astig. Sa ating katahimikan, payapa ngunit may lakas ang diwa, at pagkakaisa, malulubos natin ang tamis ng tagumpay kasabay alinsunod sa tagumpay ng mamang namamakyaw!
Bookmarks