Quote Originally Posted by KananKrus View Post
Mga kabayan,

Nakakahalata na ako na pinagtutulungan na nila ang lahi natin dito, liban duon sa isang makapili na ang pinaka-daing sa buhay ay ang mag-luno-para mapalitan ng sutla ang pinagka-aalibadbarang niyang balat, ay parang balak nang burahin ang lahat ng mampoposte dito na may bakas-Noypi. Masistema ang pamamaraan, parang bang mga hakbang na ginawa ng mga sprakenhayts sa mga jawoods nung nakaraang makalawang digmaang pandaigdig. Kung may bahid ng katotohonan itong pakiwari ko, nakakalungkot naman at bumalik na naman ang mundo sa madilim na pangangatwiran.

Kasi naman, di na lang payagan ang hanganang timbang na isang daan apatnaput-pito, tapos waratin/punitin si Igme para mapatunayan na, at matapos na ang kahibangan dito sa pagtanggi ng kadakilaan ng mamang namamakyaw ng korona at biktima, sa larangan ng boksing.

Sukang-suka na itong mga alipat na mga banyagang ito sa katotohanang kayumanggi ang kulay ng hari sa pangkalahatan ng boksing dito sa buong daigdig! Ang nakakadismaya, dito lang ang paniwalang iyon namamayani at ang kasabay nitong pambubuska din sa atin. Ilan kasi sa atin minsan, mura ang isipan, hindi lapat ang pagtugon dito sa mga panlalait na ito. Nakakadag-dag tuloy ng siklab sa apoy ng kanilang inggit. Napakahirap, paano panatiliin ang kalidad sa tagisan ng dunong, kapag wala nang laman ang sigla ng kanilang usap kundi ang pag-kutya sa lahi natin? Tanong na mahirap sagutin.

Huwag tayong bababa ng kalidad, para lang salubungin o pantayan ang babaw nila, manatili tayong malakas! Talino ang pairalin sa lahat ng sandali, at hindi iyong yabang at tangang katapangan!

Nilaliman ko na ang inakda ko mga 'tsong, maghuhukay sila ng pampalit wika kung gusto nila, pero tayo ayos lang! Mga astig. Sa ating katahimikan, payapa ngunit may lakas ang diwa, at pagkakaisa, malulubos natin ang tamis ng tagumpay kasabay alinsunod sa tagumpay ng mamang namamakyaw!

Ako'y matagal ng nagtitimpi sa kanilang lahat. Simula pa noong 2003, ganyan na mga ugali nila. Hindi nila matanggap na ang isang boksingero galing sa isang bansang mahirap ay mamamayagpag sa boksing. Noong nagsisimula pa lang ako dito, puro batikos natatanggap ko kapag ang ating pambansang kamao ay idenedepensa ko na sa kanilang mga panlalait. Kung nandito lang kayo noong naglaban si PAcquaio at BArrera, hindi na kayo gaganahang bumalik dito. LAlo na noong matalo si Pac ni Morales. Grabeng kutya ang aking naranasan noon.

Sa pagdaan ng panahon, natutunan ko na ring maging matalino sa pagsanggalang sa ating bayani. Sana kayo rin. PAtuloy nating suportahan ang ating bayani na si Pacquaio dito sa iilang mga dayuhan na hindi makatanggap ng katotohan na ang bansa natin ay magaling sa larangan ng boksing. MAdami-dami na ring mga dayuhan dito sa porum ang nagtatanggol kay Pacquaio.

ingat palagi na hindi ma-ban dito.